Ang asignaturang ito ay lubos na pinagyaman upang maiangkop sa kasalukuyang takbo ng buhay ng mga mag-aaral. Layunin nito na palinang na isang makabuluhan, kapakipakinabang, makabayan, makadiyos, makakalikasan, at makataong Pilipino sa bagong henerasyon na may kalooban at pagmamahal sa ibang tao sa bansa. Binibigyan ng higit na pansin sa mga estratehiya at pamamaraang ginagamit ang paglinang ng mga kaalaman at mga saloobing lubhang kailangan sa panlipunang pamumuhay. Ang aralin mula una hanggang ikatlong baiting ay Sibika. Tumatalakay ito sa lokasyon ng bansa, mga pamumuhay ng sinaunang Pilipino gayun din ng bagong henerasyon, ang kasaysayan ng bansa at kagitingan ng mga bayani ay tinatalakay din upang maipadama ang kahalagahan ng nakaraan at kung ano ang epekto nito sa kasalukuyan. Nililinang nito ang pagiging mapanuri ng mga bata at wastong pagpapahalaga sa kagitingan ng mga bayani at pagmamahal sa bayan. Lubos na ipinauunawa sa mga mag-aaral ang mga Gawain at Perpetualites Values na dapat isapuso at isagawa bilang isang Pilipinong may mahalagang ginagampanan sa lipunan. Ang Heograpiya ay lubos na binibigyang pansin sa ikaaplat hanggang ikaanim na baiting, gayundin ang kasaysayan ng bansa na nag iiwan ng mga suliraninm tagumpay at pangyayari na nakaiimpluwensiya sa kasalukuyan; ang pagbabagong nagging sanhi ng pagsibol ng bunga sa maraming pagkakataon at pakinabang para sa paglinang ng kakayahan ng tao at mga programa sa kasalukuyang lipunan na naglalayong makatulong sa pagkamit ng minimithing bukas. Kaalinsabay sa paglinang ng diwang makabayan, layunin din ng aralin na malinang ang pagiging mapanuri at malikhainng kaisipan at matibay na pananalig sa Diyos na dapat taglayin ng isang mamamayang Pilipino.