Ang Filipino bilang aralin ay tumutulong sa pagpapalaganap ng ating pangunahing wika ng bansa. Sa araling ito binubuo ang kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pag-unawa sa binasa at paggamit ng aklatan at sanggunianSa pag-aaral ng Filipino, makukuha ang mga impormasyon at kaalaman na nasusulat sa wikang Filipino. At sa kasanayang ito, ang mga bata ay nararapat na mapahalagahan, at magsanay upang matuto kung paano ito gagamitin. Inihanda rin ito sa mga mag-aaral mula unang baiting hanggang ika-anim na baiting para matugunan ang kanilang pangangailangan na naaayon sa bawat pangkat.Ang pangunahing gamit ng wika ay pakikipagtalastasan ito ay naaangkop sa kakayahan ng mga mag-aaral tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagsulat na bubuo ng isang aralin para sa baiting. Ang pagtuturo ng kasanayang ito ay magkakaugnay. Ang guro na lamang ang magpapalawak kung pano magiging makabuluhan ang pagtuturo ng aralin.